Paano magkaroon ng matangos na ilong

0
18

Marami sa atin ang nagaasam na tumangos ang ilong, ngunit hindi nabiyayaan. Maganda kasi itong tingnan lalo na sa mga taong napapanood natin sa telebisyon na para bang anlakas ng dating at magaganda dahil sa kanilang ilong. Kaya naman naghanap kami ng mga bagay na makakatulong saiyong problema nag research kami ng mga pwede mong gawin upang tumangos ang iyong ilong.

  1. GUMAMIT NG MAKE UP O CONTOUR

Gumamit ng make up o yung tinatawag na Contouring para mag muka itong matangos. Ito na yata ang pinakamabilis, madali at ligtas na paraan. Simple lang. Kailangan mo ng foundation na tutugma sa kulay ng balat mo o skintone. Tapos, dalawang foundation na mas dark sa skintone mo at isang powder na mas light naman sa skintone mo. Kailangan mo din ng brush at face sponge. Kung di ka pamilyar sa mga yan, magtanong sa sales lady o kahit na sinong bihasa sa pag mamake-up. Marami kang makikita nito sa youtube o kaya naman ay mga artikulo.

2. IMASAHE ANG IYONG ILONG

lagi hilutin ang ilong upang ito ay tumangos ngunit sa panahon ngayon ay may nabibili ng pang ipit sa ilong para daw ito ay tumangos isang bagay na gawa sa goma o plastic na animo ay pang ipit sa damit kung nagsasampay, ilalagay mo lamang ito sa iyong ilong tuwing umaga o sa gabi hahayaan ng ilang minuto na nakaipit ito sa ilong mo, ang regular na pag-ipit nito sa ilong ay napapabago ang hugis ng ilong at tumatangos ito.

3. MAGPASURGERY

Ang mga taong gusto ng agarang pagpapaganda o pagpapatangos ng ilong ay nagpapa surgery,pumupunta sila sa isang doctor at nagpapasailalim sila sa operasyon kalimitang nilalagyan ng isang metal na bagay ang ilong para tumangos pagkatapos ay muling  tatahiin medyo matagal bago maghilom ang mga ganitong proseso, kailangan mo rin ng ibayong pag-iingat bawal na madanggil ito o mauntog sa matitigas na bagay.

4. INJECTION

Kung takot ka naman sa mga kutsilyo at ayaw mo ng surgery mayroon din namang tinatawag na nose-lift o iyong pagpapatangos ng ilong gamit lamang ang injection mabilis lamang ito at halos di mo ramdam ang sakit dahil sa mabilis at anestisia nito, di gaya ng surgery mabilis itong gagaling at hindi kailangan ng ibayong pagaalaga.

5. MAGYOGA EXERCISE

Mag yoga exercise. Maniwala ka man o hindi, may naitutulong yan. Sa yoga, matututuhan mo ang malalim na paghinga gamit ang ilong na mas magpapaganda naman ng hubog ng ilong mo. Umupo sa komportableng sahig. Humingang malalim habang tinatakpan ang isang butas ng ilong mo at pinapadaloy ang hangin sa parte na walang takip. Sa loob ng tig-aapat na segundo, gawin ito ng salitan sa magkabilang butas. Gawin ito araw-araw ng may mahigit sa 10 ulit.

Maraming salamat sa inyong pagbabasa at sana ay nakatulong sa inyo ang artikulong ito

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here