Mga taga-Tondo sa FB na lang nag-aaway

0
21
Some homes have already been rebuilt two weeks after the fire that razed at least 1,000 homes in Dagupan Extension, Tondo, Manila.

Bawal lumabas ng bahay kung hindi mo schedule! Ito ang patakaran na ipinatutupad sa bawat barangay sa Tondo. Para raw kasi mabawasan ang mga tao sa kalsada may takdang araw na maaaring lumabas ang mga miyembro ng pamilya na mayroong quarantine pass. Okay lang naman ang sistema na iyon kaya nga lang sobra ng naiinip ang mga tao dahil karamihan ay di makaagtrabaho.

Gayunman, kahit na naghihirap ang karamihang Pilipino ay updated pa rin sila sa mga nangyayari sa ating bansa. Ang trending topic nga na ating itinuturing ay ang pagsasara ng ABC-CBN. Kaya naman ang mga taga-Tondo ay nahahati kung sino nga ba ang papanigan, ang gobyerno o ang ABS-CBN?

At dahil nga hindi naman nagkikita-kita ang mga taga-Tondo dahil may ECQ, sa social media na lang sila nagpapalitan ng mga kuro-kuro. Mga pagpaaliwanagan na nauuwi sa mainit na pagtatalo, wala kasing ibig na magpalamang. Bawat isa ay may mga opinyon na ibig nilang anindigan hanggang sa huli.

Sana nga lang, kahit na nagbabangayan pa ang mga tao, hindi ito maging dahilan para tuluyang masira ang maganda ninyong samahan. Kung magpapatalo lang kasi tayo sa pagkapikon, sama ng loob lang ang iyong itatanim mo sa’yong kapwa at hindi ‘yan makabubuti

Kaysa seryosohin ninyo ang inyong ‘bangayan’ mas maiging pagtawanan na lang ninyo ang inyong sarili kapag nararamdaman mong sumusulak na ang iyong dugo. Ibig kasing sabihin niyan, natatalo ka na. Sabi nga, ang pikon ay laging talo. Ang mabuti mong gawin, i-relax mo lang ang iyong sarili. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here