Mga Paraan para Umasenso ang Negosyo

0
26

Una, piliin ang negosyo kung saan ka talaga interesado. Hindi ka magtatagumpay sa negosyong iyong papasukin, kung wala kang nalalaman dito. Dapat nga, mahalin mo ng todo ang iyong produkto Sa pamamagitan kasi nito ay mabibigay mo ng husto ang lahat ng iyong kakayahan para maging the best ka.

Pangalawa, maging matipid. Dahil mayroon ka ng negosyo, huwag kang maging bulagsak sa pera. Kailangan maging matalino ka sa paglalabas ng iyong pera. Alalahanin mo, may mga tauhan ka ring dapat na isipin at kailangan ang mga gamit mo ay talaga namang kapaki-pakinabang para mas umangat ang iyong negosyo.

Pangatlo, maging mabuting boss. Tandaan mo, hindi magtatagumpay ang iyong negoyo kung hindi magtitiyaga ang mga tauhan mo na pagbutihin ang kanilang trabaho. Kaya, huwag na huwag mong mamaliitin ang kanilang kakayahan. Saka, tandaan mo, kapag gumawa ka ng kabutihan a’ong kapwa, mas maraming suwerte ang babalik sa’yo.

Pang-apat, maglagay ng promo. Kung nagsisimula ka pa lang sa’yong negosyo, huwag mong iisipin na kikita ka agad. Ang isipin mo ay kung paano makikilala ang iyong produkto. Kaya, mas maiging maglabas ka ng pera para sa promotion at babaan mo rin ang iyong benta para masubukan muna ng mga customers.

Panlima, panatiliin ang kababaan ng loob. Kahit na umaasenso ka na, huwag kang magiging mayabang. Kung lalaki agad ang ulo mo o magiging mayabang ka, magiging daan pa iyan para ikaw ay malasin. Sa lahat ng pagkakataon ay maging mabait ka at maging mapagkumbaba.

O, kaya mo ba itong gawin?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here