Love Horoscope; Hunyo 3

0
25

ARIES

Yung inaakala mong simpleng away nyo ng iyong mahal ay mauuwi sa isang malaking tampuhan. Ngayong araw ay magdedesisyon ka na lisanin ang inyong tahanan at pansamantalang manatili sa iyong mga magulang.

Masuwerteng numero; 20 & 32

TAURUS

Sa tingin mo ay kulang pa ang effort na ibinibigay mo sa iyong kapareha kaya naman pag-iisipan mo kung ano pa ang makapagpapasaya sa kanya. Hinding hindi ka papayag na mabutasan niya ang inyong pagsasama.

Masuwerteng numero; 11 & 13

GEMINI

Hindi mo na hihintayin na siya pa ang maunang sumuko para magkaayos kayo. Ngayon pa lang ay gagawan mo na ng paraan para maibalik ang init ng inyong pagsasama kaysa mabaling pa ang atensyon niya sa iba.

Masuwerteng numero; 7 & 24

CANCER

Magagawa mong pasayahin ang iyong mahal sa kabila ng sariling problema na kinakaharap mo. Mas uunahin mo na mapabuti ang kanyang kalagayan lalo na ang kanyang damdamin kaysa sa’yo. Ganoon mo siya kamahal.

Masuwerteng numero; 46 & 58

LEO

Kahit na nakakapag-usap kayo at nagkikita  via internet ay hindi pa rin nito mapupunan ang pananabik nyo sa isa’t-isa. Oras-oras mo pa rin siyang maiisip at kaiinipan mo pa rin ang araw na maaari mo na siyang mahawakan at mayakap ng totoo.

Masuwerteng numero; 35 & 45

VIRGO

Mabigat ang magiging paratang mo sa iyong mahal dahil lamang sa maririnig mo mula sa ibang tao. Hindi mo siya bibigyan ng pagkakataon na makapagpaliwanag  dahil mabubulagan ka ng sarili mong damdamin.

Masuwerteng numero; 58 & 69

LIBRA

Huwag mo nang ipilit ang alam mo ng maling pag-ibig. Kahit maging masaya ka sa araw na ito, sa mga susunod na araw ay aanihin mo ang malupit na karmang dulot ng iyong pagiging makasarili. Mababago pa ang kapalaran mo kung matututo kang makinig.

Masuwerteng numero; 42 & 47

SCORPIO

May malaking bagay na hihilingin sa’yo ang iyong mahal. Alam mo sa sarili mo na hindi mo ito kayang ibigay sa kanya kaya naman sa araw na ito ay pag-iisipan mong mabuti kung ano ang gagawin mong paraan para mapagbigyan siya.

Masuwerteng numero; 16 & 18

SAGITTARIUS

Wala kang magiging problema sa iyong asawa. Sunud sunuran siya sa anumang kagustuhan mo. Pero hindi tulad niya ay mahihirapan kang pasunurin ang iyong mga in-laws. Kailangan mong pag-isipan kung paano sila makakasundo.

Masuwerteng numero; 20 & 30

CAPRICORN

Sasamantalahin mo ang araw na ito na kapiling mo pa ang iyong mahal. Sa oras na makabalik ka na sa trabaho ay muli ka na namang magiging abala lalo na ngayon na mangangapa ka ulit dahil sa tagal ng iyong pamamahinga.

Masuwerteng numero; 19 & 21

AQUARIUS

Magkakaroon ka ng interes sa isang bagong kasamahan sa trabaho. Nahahawig siya sa iyong ex at maging ang kanyang mga gawi ay parang ang dati mong minahal kaya naman makukuha niya ang atensyon mo.

Masuwerteng numero; 25 & 26

PISCES

Hindi mo ugaling magsinungaling, lalo na sa taong minamahal mo kaya naman ang naging pagkakasala mo ay ipagtatapat mo sa kanya at handa kang tanggapin anuman ang kanyang maging kapasyahan para sa inyong relasyon.

Masuwerteng numero; 53 & 63

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here