Chinese Horoscope; Hunyo 3

0
23

DAGA (RAT)

May pagkakamali kang magagawa sa umaga pero agad ka ring makakabawi bago matapos ang maghapon. Sa maliit at saglit na pagkakamaling ito ay may malaking bagay kang matututunan na hindi mo inaasahan.

Masuwerteng numero; 16,17,20,30

BAKA (OX)

Dahil sa maganda mong naitanim sa iyong kapwa ay papaboran ka ngayon ng tadhana. Makukuha mo ang isang  bagayn na matagal mo ng gustong mapasa’yo nang walang kahirap hirap. Kaya naman labis kang masisiyahan ngayong araw na ito.

Masuwerteng numero; 20,34,35,41

TIGRE (TIGER)

Ikaw ang aani ng mga papuri at hindi ang tao na nagnakaw ng iyong proyekto. Kaya marerealize mo na kahit hindi ka kumilos para gumanti ay alam ng Diyos ang dapat mangyari at hindi ka niya pababayaan tulad ngayon.

Masuwerteng numero; 6,13,17,19

KUNEHO (RABBIT)

Hindi mo man intensyon at hindi mo man sinasadya subalit sa’yo pa rin magmumula ang hindi pagkakaunawaan ng dalawang tao na parehong malapit sa’yo. Sa ngayon ay wala ka pang magagawa para maresolba ito.

Masuwerteng numero; 50,56,68,69

DRAGON (DRAGON)

Ingatan ang iyong kalusugan. Hindi ka masyadong concern dito at sa halip ay mas tutok ka sa iyong trabaho. Kaya naman dapat mong pagtuunan ng pansin ang iyong kalusugan ngayon dahil ito ang magdudulot sa’yo ng problema.

Masuwerteng numero; 28,30,33,45

AHAS (SNAKE)

Mawawalan ka ng gana na ipagpatuloy ang nasimulan mong negosyo dahil sa pagiging matumal nito. Ngayong araw ay pag-iisipan mong mabuti kung isasara ito o magpapalit ng bagong diskarte para maging mabenta ito.

Masuwerteng numero; 8,11,13,24

KABAYO (HORSE)

Ikakalito mo ang igagawi ng iyong mahal tungkol sa isang mahalagang bagay na napagkasunduan nyo. Yung akala mo ay okay na at napapayag mo na siya pero sa tingin mo ay gumagawa pa siya ng paraan para mabago ang isip mo.

Masuwerteng numero; 60,62,63,75

TUPA (SHEEP)

May matutuklasan ka ngayong araw na magiging dahilan para hindi ka magkaroon ng kapanatagan. May kinalaman ito sa isang kapamilya na nasa ibang bansa, pero wala kang way para masiguro kung may katotohanan ito o wala.

Masuwerteng numero; 5,15,20,27

UNGGOY (MONKEY)

Dahil sa pangungulit ng isang kaibigan ay mapagbibigyan mo rin ang kanyang kahilingan kahit pa ito ay labag sa iyong kalooban. Iisipin mo na lang na bahagi pa rin ito ng iyong pagkakawanggawa na kailangan mong gawin para sa isang kaibigan.

Masuwerteng numero; 9,25,35,40

TANDANG (ROOSTER)

Yung inaasahan mo na makakabayad ka na sa iyong mga bayarin sa mga bills ay mauudlot na naman sa muling pagkakataon dahil sa pagdating ng isang tao na kailangan mong bayaran. Hindi mo na siya maaaring paghintayin pa.

Masuwerteng numero; 27,30,43,44

ASO (DOG)

Sa iyong balikat maiaatang ang pinakamalaking responsibilidad ngayon sa trabaho dahil sa pansamantalang pag-alis ng iyong boss. Hindi ka handa sa ganito kalaking responsibilidad kaya matataranta ka.

Masuwerteng numero; 1,3,12,23

BABOY (PIG)

Maiiwan ka sa ere ng iyong mga kasamahan sa trabaho dahil sa likas mong kabagalan. Ayaw mo kasi ng hindi pulidong trabaho kaya pinupulido mo muna itong mabuti. Sisikapin mong makahabol sa kanila sa susunod na araw.

Masuwerteng numero; 10,26,30,33

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here